in

Mortgage application para sa mga Dayuhan: ang Maikling Gabay

Ang pagkuha ng mutuo o mortgage ng isang dayuhang mamamayan sa Italya ay maaaring maging isang kumplikadong bagay, ngunit ito ay hindi imposible.

Sa katunayan ang pangunahing pamantayan ng mga financing institution ay ang parehong pamantayang ginagamit para sa mga mamamayang Italyano o Europens at ang mga ito ay hindi pinapalitan dahil ang mga pamantayang ito ay naglalayong tiyakin ang isang bagay lamang: ang pagsunod sa mga kondisyon mula sa mga nanghihiram.

Anuman ang nasyonalidad ng aplikante, ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng matatag na kita, mula sa marangal na trabaho o iba pang paraan ng garantiya.

Sa kaso ng mga dayuhang mamamayan, ay kailangang isaalang-alang

ang ilang mga kundisyon tulad ng paninirahan (na maaaring hindi pa naililipat sa Italya) o ang pagkakaroon ng isang permesso di soggiorno at ang validity nito.

Ang mga nabanggit ay iniuugnay sa pagbibigay ng mortgage at samakatwid ang pagtanggap sa aplikasyon ng mutuo ng isang dayuhang mamamayan, dahil ang mga financing institution ay kailangang isipin din ang posibilidad ng pagbabalik sa sariling bansa ng dayuhan, isang pangyayari na maaaring maganap dahil sa iba’t ibang dahilan, maaaring kusang loob o hindi sinasadya.

Paano masisigurado sa bangko ang patuloy na pagtupad sa obligasyon ng pagbabayad ng dayuhan?

Tiyak na ang tagal ng paninirahan ng isang tao sa Italya ay maaaring magbigay ng katiyakan ukol sa tatag ng paninirahan sa bansa at samakatwid ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isang permanenteng proyekto para din sa hinaharap.

O ang pagkakaroon ng isang business sa Italya na nangangailangan ng puhunan ay walang dudang indikasyon din ng isang pangako na nagoobliga sa tao sa loob ng ilang panahon.

Bukod dito, ang pananatili ng ilang mga miyembro ng pamilya sa Italya, lalo na kung sila ay dumating sa pamamagitan ng family reunification process. Ito ay maaaring magbigay ng higit na intensyon sa nanghihiram na maging matatag ang kanilang pamumuhay sa Italya para sa siguradong mahabang panahon.

Samakatwid, ang lahat ng mga nabanggit ay maaaring ipaalam sa Bangko kung saan nag-aaplay ng mutuo, lakip – bilang karagdagan sa mga requirements – ang permesso di soggiorno, certificato di residenza, stato di famiglia at ang permesso di soggiorno ng mga dumating na miyembro ng pamilya sa Italya.

Vota l'articolo!
[Totale: 0 Media: 0]

ਇਟਲੀ ਵਿੱਚ ਵਿਦੇਸ਼ੀ ਨਾਗਰਿਕ ਨੂੰ ਮੌਰਗੇਜ ਪ੍ਰਾਪਤ ਕਰਨਾ ਅਸੰਭਵ ਨਹੀਂ!

Con i nuovi tassi di interesse “stangata” di oltre 500 euro l’anno sui mutui